32-anyos na sobrang mahiyain, walang imik at NBSB, makakapag-asawa pa rin
- Maestro Honorio Ong
- Jan 18, 2020
- 2 min read
Maestro Honorio Ong
Katanungan
1. Kaya siguro ako umabot ng edad 32 nang wala pa ring boyfriend ay dahil mahiyain ako, napakatahimik at hindi ako palakibo kung hindi mo ako kakausapin, hindi ako palakuwento at usually, sa bahay lang ako. Hindi kasi ako at ease kapag may kasama o kausap akong ibang tao o lalaki, lalo na at hindi ko naman sila kakilala.
2. Maestro, itatanong ko lang kung sa kabila ng ganito kong ugali, may nakatakda pa rin kayang lalaki para sa akin? Nangangarap din akong magkaroon ng masayang pamilya.
3. Ano ang dapat kong gawin para makapag-asawa at magkaroon ng masayang pamilya kahit hindi ako mahilig makipagsosyalan, lalo na sa mga kalalakihan? Kasagutan
1. Sa totoo lang, wala namang kaugnayan kung masungit ka, Maria Clara o sobrang hinhin mo at kung manang ang dating mo o burara sa katawan. Walang kaugnayan ang mga ito kung sadyang may malinaw, mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng isang indibidwal.
2. Dapat kang magpasalamat at magsaya dahil buti na lang, kahit 32 years old ka na ay may namataan pa ring kaisa-isang maganda at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit medyo may edad ka na, nakatutuwa ang nakatakda, makapag-aasawa ka pa rin, magkakaroon ng pamilya at habambuhay na liligaya, kahit inosente ka sa subject na “sex, love and relationship”.
Dapat Gawin
Ayon sa iyong mga datos, Janice, kahit mahiyain ka at may pagka-conservative, may kaisa-isang magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) at may maganda ring Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ito ay malinaw na tanda na kahit 32-anyos ka na, magkaka-boyfriend ka pa rin, makapag-aasawa at magkakaroon ng simple at maligayang pamilya.
Gayundin, habambuhay na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2021 sa edad mong 33 pataas.




Comments