top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tsk, tsk, tsk! Haaaay! Taggutom, mga bangko malulugi, mayayaman mababawasan; Rape cases tataas, magk

Sr. Socrates Magnus II
Jan 15, 2020
2 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng mga mahahalagang prediksiyon ngayong 2020.

Ngayong 2020, ang buong mundo ay gugulatin ng mga world news na maglalabasan ang iba’t ibang bagong virus tulad ng nakikita sa kasalukuyan kung saan napababalita ang misteryosong virus mula sa China.

May kasunod pang mga sakit o karamdaman na kakalat, hindi lang sa mga tao kundi maging sa mga hayop at halaman kaya ang taggutom ay nakaambang maranasan ng maraming bansa.

Ngayon ding 2020, makikita sa mga balita ang assassination o pagpatay sa mga pangunahing lider ng mga bansa at maririnig na parang dumadagundong na mga balita.

Sa bawat pagpapalit ng mga liderato ng mga bansa, ang mga negosyo ay magsisibagsak at ang mga bangko ay makikitang umaangal dahil ayaw na ng mga tao na mag-impok sa bangko dahil sa mga kaguluhang nagaganap.

Kaya hindi nakapagtataka ang mga mababalita na ang mga pribadong bahay ay madidiskubreng punumpuno ng cash o mga salaping nakatago sa bahay.

Habang umaangat ang kabuhayan ng mga nasa middle-class, mababawasan ang bilang ng mayayaman dahil tulad ng nasabi na, maraming tradisyunal na negosyo ang babagsak.

Ang mga nasa ilalim na hanay ng lipunan o mahihirap ay makikitang halos hindi makaangat. Marami sa mga tao ang gustong maghirap dahil gagawing prayoridad ng gobyerno ang mga mahihirap at kapag medyo nakaahon na sila sa kahirapan, aalisin na ang tulong sa kanila.

Sa pagiging sobrang malaya ng mundo sa internet, lalala ang pornograpiya at marami ang lihim na mahuhumaling sa malalaswang gawain, kaya ang mga balita ay makikitang hindi nauubusan ng mga kaganapan na may kaugnayan sa pagnanasang pangseksuwal.

Bababa ang moralidad ng mga tao, walang magagawa ang mga Simbahan at relihiyon dahil kahit sa kanilang hanay ay mapababalitang sila ay may mga gawaing immoral.

Lalong bababa ang bilang ng mga magpapakasal dahil pipiliin nila ang pagsasama kahit hindi pa kasal o live-in dahil ito ang uso ngayon at magpapatuloy pa sa mahabang panahon.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page