top of page

Presyo ng isda at gulay, sisirit

  • V. Reyes
  • Jan 15, 2020
  • 1 min read

Tumaas na ang presyo ng tilapia sa ilang palengke sa Metro Manila matapos bumaba ang suplay kaugnay ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa Commonwealth Market sa Quezon City, nasa P120 na ang presyo ng tilapia mula P100.

Tinatayang 15 metriko-tonelada ang nawalang suplay ng tilapia dahil sa pag-alburoto ng Taal, ayon sa Department of Agriculture.

Naghahanap na ng alternatibong mapagkukuhanan ng tilapia ang DA para hindi na magkulang pa ang suplay ng produkto at magkaroon ng taas-presyo.

Nanawagan ang DA sa mga suppliers na huwag manamantala sa pagbaba ng suplay ng tilapia para kumita nang mas malaki.

Nangako rin ang DA ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pagsabog ng bulkan na mamimigay sila ng fingerlings, livestock, mga seed at planting materials.

Samantala, bukod sa isda, pinangangambahang sumirit din ang presyo ng gulay at karne dahil sa epekto ng nasabing kalamidad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page