top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

P22 bilyong ikinaltas sa calamity fund, pinagparte-partehan ng mga Cong.

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 15, 2020
  • 2 min read

MALIIT ANG P16 BILYONG CALAMITY FUND NG DUTERTE GOV’T. — Matatandaang, nitong katatapos lamang na taon ay nagkaroon ng sunud-sunod na lindol sa Mindanao kung saan maraming ari-arian at imprastruktura ang nasira.

Gayundin, katatapos lang ng pananalasa ng Bagyong Tisoy sa Visayas Region kung saan maraming kabuhayan ang naapektuhan.

At ngayon, buong Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) ang apektado sa pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Sa tindi ng mga kalamidad na tumatama sa bansa, sa dami ng mga ari-arian, imprastruktura at kabuhayan na napinsala, paano mapagkakasya ang P16 bilyong calamity fund na inilaan ng gobyerno para sa mga lugar at kababayan nating biktima ng mga ganitong kalamidad? Tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

NOON, UMABOT SA P38.9 BILYON ANG CALAMITY FUND PERO NGAYON, P16 BILYON NA LANG — Bago bumaba sa puwesto si ex-P-Noy noong June 30, 2016, ang calamity fund ay P38.9 bilyon. Pero sa 2017 National Budget, na-shocked si Sen. Panfilo “Ping” Lacson nang tapyasan ito ng P22 bilyon kaya ang natirang calamity fund ay P16.9 bilyon na lang.

Dahil d’yan, binusisi ni Sen. Lacson kung saan napunta ang itinapyas sa calamity fund at muli, shocked siya sa kanyang natuklasan at isiniwalat niya sa mga mamamahayag na ang ikinaltas sa calamity fund ay pinagparte-partehan daw at ginawang pork barrel ng mga kongresista, buwisit!

◘◘◘

SABLAY ANG JOKE NI P-DUTERTE NA KAKAIN SIYA NG ASHFALL AT IIHIAN ANG BULKAN — Ayon kay P-Duterte, pupunta siya sa lugar na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal para kainin ang ashfall at ihian ang bulkan.

Sablay ang “joke” ni P-Duterte. Kumbaga, wala sa lugar na magbiro ng ganyan dahil hindi ‘yan ang gustong marinig ng ating mga kababayan.

Imbes na “joke”, dapat motibasyon o mga salita na makatutulong sa kanila para maging positibo sapagkat hindi alintana ng ilan na halos mawalan na sila ng pag-asa, period!

◘◘◘

RAKET NG MGA ILEGALISTA SA CALABARZON, PINA-STOP NG TAAL VOLCANO — Dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Taal Volcano, stop na raw ngayon ang operasyon ng illegal drugs at illegal gambling sa CALABARZON.

Ibig sabihin, ang Taal Volcano lang pala ang makapagpapatigil sa raket ng mga ilegalista at hindi ang PNP at mga pulitiko, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page