Nagsimula bilang sexy star… Yam, naniniwalang nakabuti sa career niya ang paghuhubad noon
- Mercy Lejarde
- Jan 15, 2020
- 2 min read

Dalawang Yam ang pasok sa first horror movie ng Viva Films at Aliud Entertainment for this year 2020 titled Night Shift. Lead star si Yam Concepcion at writer-director naman si Yam Laranas.
Sa grand mediacon ng Night Shift ay natanong ni yours truly kung ang magiging sequel ba nito ay “night sex” with no malice meant? At okay lang ba sa isang Yam Concepcion ang gumawa pa rin ng sexy movies?
“Tapos na ako ru’n. Nagsimula ako ru’n, at hindi ko ikinakahiya ‘yun. I’ve done a sexy drama before and I’m done with it.”
Paliwanag pa ni Yam: “Kasi noong time na ‘yun, nagsisimula pa lang ako, eh. Wala akong idea kung ano ba talaga ang nangyayari sa industriyang ito, so I really don’t have an idea.”
At ngayon, mas nais patunayan ni Yam ang kanyang sarili bilang isang aktres.
“Tinanggap ko ‘yung ganu’ng mga projects noon kasi I trusted my management sa career path na gusto nila para sa akin at naniniwala ako na naging mabuti ang lahat ng ‘yun para sa akin,” she even added.
Five years na ang long-distance relationship ni Yam Concepcion at ng kanyang environmentalist boyfriend na si Miguel Cu-Unjieng kaya hindi maiwasang hindi siya tanungin kung meron na ba silang planong wedding this year 2020?
“Puwede, depende. Sana, huwag nating i-jinx,” nakangiting sagot ni Yam.
Nakatuon muna raw ang atensiyon ng aktres sa magandang momentum ng kanyang showbiz career.
Ang maturity nila at matibay na foundation ng kanilang pagmamahalan ang dahilang sinabi ni Yam kaya matatag ang relasyon nila ni Miguel.
“Very secure na tao siya, very supportive. Mabait na tao,” description pa ni Yam kay Miguel, na excited nang mapanood ang Night Shift dahil fan daw siya ng mga horror films ni Yam Laranas.
K, noted.





Comments