Mga residente at turista ‘di agad nawarningan.. Phivolcs, gigisahin
- V. Reyes
- Jan 15, 2020
- 1 min read

Inihain ang resolusyon na layong imbestigahan ang posibleng mga kakulangan sa gitna ng pagputok ng Bulkang Taal.
Sa ilalim ng House Resolution 643, nais ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, Jr. na maigisa ang Phivolcs dahil sa maaaring kakulangan nito sa pagpapalaganap ng impormasyon sa napipintong pagsabog ng Bulkang Taal.
Noong Linggo ng umaga aniya kasi ay namo-monitor na ng Phivolcs ang pagtaas ng mga aktibidad sa bulkan ngunit, bigo itong magpalabas ng impormasyon sa publiko upang sana ay hindi na nagtungo pa ang mga turista sa lugar at mas maagang nakapaghanda ang mga residente roon.
Nais ding ungkatin kung paanong nagkaroon ng permanenteng paninirahan sa volcano island na permanent danger zone.





Comments