Mga biktima ng Taal, para maka-survive?.. Diaper, bra at panty pamalit sa face mask — DOH

Maaaring gamitin ang diaper, bra at panty bilang alternatibo kung walang pambili ng N95 face mask dahil sa tumataas na demand bilang proteksiyon kaugnay ng pagbuga ng abo ng Bulkang Taal.
“Mayroong panyo. Diapers? Puwede naman ho siguro. Depende kung papaano ang pagkakagamit — kasi po ‘di ba, ang diapers ay open so puwede po siya — actually po, kung titingnan n’yo po ‘yung diapers, hindi ba sa mga bata, mayroong ‘Keep it dry’, dry, so dry siya talaga. So, ngayon po puwede n’yo pong gawin, basa-basain ninyo lang nang konti siya para hindi ma-suffocate para talaga ma-obstruct,” ani Health Assistant Secretary Maria Francia Laxamana sa press briefing ng Laging Handa sa Malacañang.
“Mayroon pang isang creative, iyong bra, panty kasi po talagang lahat lumalabas na,” ani Laxamana.
“Mayroon pong mga substitute d’yan, iyong practical substitutes natin puwede n’yong gamitin iyong regular surgical mask, kung mayroon po noon. Puwede naman pong maglagay sa loob ng medyo moist na mga panyo para ma-obstruct lang iyong pagpasok ng ashfall,” dagdag pa ni Laxamana.





Comments