Lahat ginawa makuha lang ang Songbird…Jodi, ginamit si Regine para sa serye?
- Vinia Vivar
- Jan 15, 2020
- 1 min read

Mistulang tribute to Regine Velasquez ang My Single Lady na digital series ni Jodi Santamaria sa iWant. Sa kuwento kasi ay fan ni Asia’s Songbird ang nagpalaki sa karakter ni Jodi na si Chona na real name ni Songbird.
Sa trailer ay makikita ang mga posters at articles ni Regine dahil nga idol siya ng adoptive parent ni Chona.
Kuwento ni Jodi, ipinaalam daw nila kay Regine ang tungkol dito.
“Talagang pinuntahan namin siya sa house niya. Kinausap namin si Ate Redj. Nag-message muna ako sa kanya kasi siyempre, gusto rin namin siyang kunin for a part, and of course, mga songs niya,” ani Jodi.
Noong una nga raw ay hindi makapaniwala si Songbird na si Jodi siya.
“Sabi niya, ‘Ha? Judy o Jodi? Judy Ann Santos?’ Ganu’n. At first, hindi siya naniniwala na ako ‘yung nag-message sa kanya. Tapos, sabi ko, ‘Yes, ate, it’s me.’ Sabi niya, ‘Jodi, the actor?’” kuwento ni Jodi.
Hanggang sa ‘yun nga, nag-set sila ng meeting para iprisinta ang project.
“And talagang sabi namin, ‘Ate Redj, isa ka sa mga pundasyon ng istorya, hindi talaga puwedeng hindi ka umoo rito,’” sabi ni Jodi.
Thankful naman si Jodi dahil pumayag si Songbird at may special appearance pa ito sa serye.
“Nagbigay siya sa amin ng schedule para mai-shoot namin siya and para ru’n, we’re very thankful kay Ate Redj na pinagbigyan niya ‘yung programa,” dagdag pa ni Jodi.





Comments