top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kahit delikado.. Mga evacuees binalikan ang mga bahay

V. Reyes
Jan 15, 2020
1 min read

Hindi naawat ang ilang mga residente sa Batangas na bumalik sa kani-kanilang bahay sa kabila ng nagbabantang mapanganib na pagsabog ng Bulkang Taal.

Bagama’t, mahigpit na ang pagbabantay ng mga sundalo at pulis ay may ilang residente pa rin ang nakakabalik sa Taal Volcano Island na itinuturing na permanent danger zone.

Buwis-buhay na kinuha ng ilang residente ang kanilang ilang mahahalagang gamit, pera, pati na ang mga alagang hayop na hindi agad naisama noong nagmamadali sa paglikas nang magsimulang mag-alburoto ang Taal Volcano.

Kahit na “no man’s island” ngayon ang Taal Volcano Island, may ilan pa rin ang pumupunta kabilang ang mga grupong sinusubok na mailigtas ang mga naiwang hayop sa lugar.

May ilan ding residente sa bayan ng San Nicolas ang umuwi sa kanilang mga bahay para tignan ang kanilang ari-arian at mga hayop.

Ipinakiusap ni San Nicolas Mayor Lester de Sagun na sumaglit lamang ang mga residente at agad na bumalik sa evacuation centers lalo na at anim na kilometro lamang ang layo ng bayan sa Bulkang Taal.

Samantala, muling ipinaalala ng Phivolcs sa mga taga-Batangas ang pananatiling alerto at gawin ang lahat ng mga kinakailangang pag-iingat upang hindi manganib sa inaasahan pang matinding aktibidad ng Bulkang Taal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page