top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Enero 15, 2020 (Miyerkules)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 15, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 15, 2020 (Miyerkules): Tiwala sa sarili ang sikreto ng iyong tagumpay. Kaya ang pag-aalinlangan sa sariling kaka­yahan ay ang iyong pinaka­ma­­higpit na kalaban.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Piliin ang daan ng pakikipag­kasundo. Mag­paraya ka sa ilang bagay da­hil mabuti ang walang sakit ng ulo nang sa gayun ay mag­tuluy-tuloy ang iyong pag-unlad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-8-10-20-29-34-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tutukan mo ang iyong pi­nagkakakitaan, ngayon ang panahon para lumago pa ang iyong kabu­hayan. Sa ibang araw mo na lang bigyang-pansin ang ibang aspeto ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-17-23-24-39-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Bibilis ang iyong pag-asen­so kapag na­gawa mong makalayo sa mga taong alam mong saya lang ang kailangan sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-30-34-41-44.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong kataku­tan ang muling magmahal. Makipagsapa­laran ka, hindi makabu­buti kung ang takot mo ay maghahari sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-20-35-43-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nag­babalita ang petsa ng iyong kaarawan na malalaking suwerte ang nag-aabang sa iyo kaya hindi puwede na hindi ka lumakad nang pasulong sa iyong bu­hay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-25-34-37-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong sayangin ang mga araw kung kailan lalago nang todo ang iyong pinagkakakitaan. La­banan mo ang katamaran at huwag kang makuntento ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-24-30-33-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malilibang ka sa saya. Kapag nahalata mong nangyayari na, muli mong ibalik ang sarili mo sa kung paano mo mapakikinaba­ngan ang mga taong ayaw umalis sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-31-32-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malakas ka, kaya bakit ka mag-aalala sa mga pagsubok na lalagyan sa iyong harapan. Wala ka ring dapat ipangamba sa mga taong nagkukunwari na na­buo ang kalooban. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-17-20-25-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi lang iisa ang baitang ng hagdan ng tagumpay. Huwag kang huminto kahit alam mong nasa itaas ka. Magpatuloy ka hanggang sa lubos na ma­tupad ang iyong mga pa­ngarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-16-19-23-25-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pasayahin mo ang sarili mo. Hindi ma­sama kung ibigay mo ang gusto mo sa iyong sarili. Ang masama ay pinagdaramutan mo ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-18-21-26-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakapa­pagod din ang magsaya. Ito ang magiging laman ng isipan mo. Mamahinga ka at ilang araw lang ay muli kang magsasaya at ito na mismo ang buhay mo sa mundo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-21-25-30-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka para sa iyong kinabukasan. Ang taong may plano sa buhay ay mas mabilis na yumaman habang ang wa­lang mga plano ay tatangayin lang ng kapwa at sa huli ay magsisisi. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-18-24-25-36-39-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page