top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tulung-tulong, ‘wag magsamantala sa panahon ng kalamidad

  • Isko Moreno
  • Jan 14, 2020
  • 1 min read

Kagabi pa lang ay inatasan na natin ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na magpadala ng dalawang teams upang tumulong sa CDRRMO ng Tagaytay at Talisay matapos ang kasalukuyang pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Binigyan na natin ng kapangyarihan si MDRRMO Director Arnel Angeles na mag-mobilize ng kanyang mga teams kasama na rito ang mga medical at rescue personnel.

Bukod sa pagsuspinde ng mga klase at trabaho sa lungsod, itinalaga na rin natin bilang acting mayor si Vice-Mayor Honey Lacuna na naglibot kagabi upang matingnan ang kalagayan ng ating mga kababayan bukod sa pamimigay ng mga face masks.

Sa ganitong uri ng sitwasyon, makabubuti kung nasa bahay lamang tayo kapiling ang ating mga mahal sa buhay habang nakaalerto at nakikinig sa mga balita at updates. Nananawagan din tayo sa mga negosyante at tindahan na huwag samantalahin ang ganitong sitwasyon upang makapanlamang sa kapwa.

Magtulungan tayo at magsama-sama upang hindi ganu’n kalaki ang maging epekto nito hindi lang sa ating siyudad kundi sa buong bansa.

Makibalita rin tayo sa mga kamag-anak natin na nakatira malapit sa danger zone o ‘yung mga naapektuhan ng mga cancelled flights.

Mag-ingat tayong lahat at maging alerto! Manatiling nananalig sa Diyos, Pilipinas, God first!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ISKOr ni Isko Moreno, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa iskor@bulgar.com.ph

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page