Sa mga pamilyang nasa isla ng Taal.. Lahat ay nailikas — DSWD

Walang naiulat na nasawi o nasaktan mula sa mga pamilyang inilikas sa isla ng Taal Volcano sa gitna ng pag-aalburoto nito.
Iniulat din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos tatlong libong pamilya ang nailikas na mula sa mga bayan na malapit sa Taal Volcano. Siniguro pa ng DSWD na sasapat ang ayudang ibinibigay sa mga naapektuhan ng volcanic eruption.
Naniniwala naman si Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum na ang Taal Volcano ay isang matatawag na national park at wala na dapat manirahan doon. Makabubuti aniya na pag-aralan na ng mga lokal na pamahalaan ang permanenteng paglilipatan ng mga pamilyang inilikas mula sa Taal Volcano Island.





Comments