top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nagbebenta ng mga overpriced na face mask, sasampulan!

  • Mylene Alfonso
  • Jan 14, 2020
  • 1 min read

Pagpapaliwanagin ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga medical supplier na nanamantala sa pagtataas ng presyo ng N95 face mask.

Dahil dito, nakatakdang maglabas si Moreno ng show cause order laban sa mga medical supplier na nagtaas ng presyo ng N95 face masks.

Inatasan na rin ni Moreno si Manila Permits Bureau Chief Levi Facundo na magpalabas ng show cause order laban sa mga mapagsamantalang indibidwal o kooperasyon sa pagtataas ng presyo ng N95 face masks.

Kasabay na rin ito ng nararanasang ashfall dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ayon sa alkalde, posibleng ipawalambisa ang permit ng mga medical supplier na mabibigong magpaliwanag sa pagtataas ng presyo ng mask.

“Hindi po kailangan magtaas ng presyo dahil sa mataas na demand. Nasa bodega n‘yo lang ‘yan at mura lang ‘yan na nabili,” diin ni Moreno.

Umabot ang naranasang ashfall hanggang sa bahagi ng Metro Manila.

Nabatid na umabot ng P2,550 ang isang kahon ng N95 face mask na nabili sa isang tindahan sa Bambang Street, Sta. Cruz, Manila. Nananatili pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page