Istayl ng magka-love team, buking.. Hirit ng netizens: Jadine, pinag-uusapan lang dahil sa gimik, m
- Beth Gelena
- Jan 14, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Para patunayang walang hiwalayang nangyayari sa JaDine ay nag-post si James Reid sa kanyang socmed account na magkasama sila ng girlfriend na si Nadine Lustre sa Brazil.
May kuha rin siyang solo picture ni Nadine na banaag sa mukha ang kasiyahan.
Sabi ng JaDine fans, “Enjoy while it lasts.”
Ang ibang netizens ay nagsasabing tapos na ang gimik ng celebrity couple dahil pinag-uusapan na sila. Matagal nang walang isyu sa dalawa kaya gumawa raw ng ingay.
Sey ng mga netizens, “Sa gimik lang naman sila napag-uusapan, hindi sa mga projects nilang puro flappy bird.”
“Kaya keber ‘tong 2 na ‘to kahit flop o minsan lang me project basta ang importante meron silang trabaho. Madaling gumawa ng ingay, ang mahirap, wala na ngang ingay, wala pang pera. Sila, maingay na, bongga pa ang lifestyle, LOL.”
“So, gimik nga…,” tanong naman ng isa sa isyung hiwalayan ng JaDine na sinagot naman ng isa pang netizen ng… “Gimik? They denied it. Ipinilit n’yo. Nu’ng nalaman ninyong hindi talaga totoo, gimik na?”
Nagsalita na si Nadine hinggil sa breakup umano nila ni James. Sinabi niyang walang katotohanan ang balita. Kaya kung ano ang sinabi ng aktres, ‘yun na lang ang paniwalaan.
Closed book na ang breakup issue.
So far, ipinakikita nina Nadine at James na still going strong ang pagsasama nila. So be it!!!
By the way, ‘di kaya aware sina James at Nadine na sumasabog na ang Taal Volcano dito sa ‘Pinas?





Comments