top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Irving, balik-laro na mula nang ma-injured

  • MC / ATD
  • Jan 14, 2020
  • 1 min read

Bagamat may kaunting kalawang ang galaw pero ipinakita pa rin ni Kyrie Irving ang kanyang puso at tikas sa paglalaro sa Barclays Center sa New York matapos ang dalawang buwan na pagpapagaling mula sa natamang injury. Dumating siya, tatlong oras bago ang laro upang makapagpraktis muna, kaya nang matawag ang pangalan niya, nasorpresa ang mga manonood dahil matagal din nilang nais na makitang sumalay si Kyrie.

Nagbunga naman ng maganda ang performance ng gabing iyon ng mama, laban sa perfect opponent na palaban din na Atlanta Hawks na wala naman sa team si Trae Young. Pero hindi masyadong matingkad at mainit ang kanyang performance na tulad ng dati sa Brooklyn, pero epektibo pa rin at nakapagtala pa ng career-high 91 percent shooting night na nagmistulang Globetrotters ang Nets kontra Hawks’ na mala-Washington Generals sa 108-86 win.

Bumanat siya ng 10 of 11 shots na nagpahirap sa depensa ng Hawks na biniktima rin sa laban ng Utah, Philadelphia (twice), Milwaukee at sa Los Angeles Lakers.

Ikinasorpresa narin ng marami na tila wala na itong iniindang right shoulder injury at tuluyan na itong nakapagpagaling. “It was a long way back, a lot of questions I had to answer about my shoulder, longevity,” saad ni Irving. “Once I got that foundation set, it was easy to come back.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page