GF, proud na ivinideo pa… Derek, masuka-suka sa ipinakain ni Andrea
- Nitz Miralles
- Jan 14, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Photo: @andreaetorres
Hindi pala kumakain ng isaw si Derek Ramsay, base ito sa napanood naming IG Story ni Andrea Torres na tinawag niyang “Derek vs. isaw”. Mapapanood na kumakain o pinakain ni Andrea ng isaw ang boyfriend.
Sa simula ng IG story, makikitang kinagat ni Derek ang isaw, nginuya at nilunok. Kaya lang, pagkatapos ng ilang segundo, nag-iba ang facial expression at parang maduduwal sa kanyang kinain. Putol ang video, hindi napanood kung tuluyang nilunok ni Derek ang kinaing isaw o isinuka.
Sa IG story naman ni Derek, may video siya sa pagputok ng Taal Volcano na kuha ng isang piloto. May bahay sa Tagaytay sina Derek at kundi kami nagkakamali, doon nakatira ang parents niya at mukhang safe naman ang mga ito.
Also, ibinalita ni Derek na action ang concept ng bagong teleserye nila ni Andrea na Sanggang Dikit. Wala pang ibang detalye sa project na sa second quarter pa ng 2020 uumpisahan dahil nakalatag na ang mga bagong teleserye ng network.
Nabanggit din ni Derek na may two movies siyang gagawin this year at wish ng mga AnDrek, kahit sa isang pelikula ay si Andrea ang kuning leading lady ng hunk actor.





Comments