Blatche, gagamitin pa rin ng Mighty Sports sa Dubai
- MC
- Jan 14, 2020
- 2 min read

Kitang-kita kay Andray Blatche na nagsisikap na ito ngayong magpabawas ng timbang mula pa noong nakaraang linggo, kaya naman ayon kay Mighty Sports owner Alex Wongchuking at coach Charles Tiu, aniya kumpiyansa siya na ang naturalized Filipino ay kaya pang makapagpabawas ng timbang bago pa pumalaot ang team sa Enero 21 para sa Dubai International Basketball Tournament.
“We know how good of a player he is, but he needs to be in excellent form because we will be again facing formidable teams from Lebanon and the Middle East,” ayon kay Tiu na lumabas sa ABS-CBN online, na nanguna sa team nang magkampeon sa Jones Cup noong 2019.
Determinadong umibayo mula sa ikatlong puwesto na pagtatapos noong 2019, araw-araw nagsasanay ang Mighty Sports mula nang dumating si Blatche noong Huwebes sa team, dahil pakay ng team na idagdag ang titulo ng Dubai sa kanilang trophy cabinet. “With a good mix of young and veteran players in the team we are hoping we can at least finish in the top four,” ayon kay Wongchuking.
Maliban kay Kai Sotto, lahat ng miyembro ng 16-man team ang dumalo sa unang tatlong araw na praktis ng team. Hindi pa nakasama ang 7-foot-2 na si Sotto sa paghahanda ng Mighty dahil sa nakaraang commitment, pero ang dating Ateneo high school standout ay diretso nang magtutungo sa Dubai sa Enero 21.
Sa kabila nang kawalan ni Sotto sa training nagpahayag ng tiwala si Tiu na madaliang makapag-a-adjust ang teenager sa kanyang sistema. Ang 17-anyos na si Sotto ay nasa Estados Unidos ngayon kung saan siya interesadong maglaro sa college teams. May dalawang araw na lang siyang mapag-aaralan ang laro ng Mighty para sa 9-day competition simula sa Enero 23.
Ang presensiya ni Renaldo Balkman at McKenzie Moore, ang dalawang foreign reinforcements na pawang may championship experience maging ang ilang collegiate standouts tulad nina Ateneo’s Thirdy Ravena at UP’s Juan Gomez de Liaño ang magpapaangat sa tsansa ng Mighty Sports para sa top four.
Ang iba pang miyembro ng team ay sina Joseph Yeo, Rain or Shine’s Beau Belga, Joaqui Manuel, Gab Banal, Jarell Lim, Dave Ildefonso, Juan Gomez De Liano, Jamie Malonzo, Mikey Williams at Jelan Kendrick.





Comments