top of page
Pokwang.jpg

2 kelot, tiklo sa sugal at droga

Gina Pleñago
Jan 14, 2020
1 min read

Arestado ang dalawang lalaki dahil sa pagsusugal ng cara y cruz at nakuhanan pa ng umano’y ilegal na droga sa Makati City, kahapon ng hatinggabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina John Patrick Amarilia, 18, ng Makati City at Jude Villahermosa, 24, ng Caloocan City.

Batay sa ulat ni Makati City Police Chief, P/Colonel Rogelio Simon, nahuli ng mga tauhan ng Police Community Precinct-7 ang mga suspek sa kahabaan ng Escuela St., Bgy. Guadalupe Nuevo, alas-12:15 ng hatinggabi.

Patungo na sa isang checkpoint ang mga pulis sa pangunguna ni Maj. Aaron Raemo Elago sakay ng police mobile car 2907 nang parahin sila ng isang concerned citizen na nag-ulat ng nagaganap na illegal gambling (cara y cruz) ng grupo ng lalaki sa nasabing lugar.

Bago pa man makalapit ang mga pulis, agad nagtakbuhan ang mga suspek subalit, nasakote sina Amarilia at Villahermosa.

Nasabat sa mga suspek ang tatlong 25 centavo coins na ginamit sa pangara at perang pusta.

Nang kapkapan ang dalawang suspek, nakuha sa mga ito ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.35 gramo at nagkakahalaga ng P2,380.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page