‘Pag may kalamidad.. Pribadong sektor, walang pasok — DOLE

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employer hinggil sa suspensiyon ng trabaho sa mga nasa pribadong sektor sa panahon ng natural o man-made calamity.
Ayon sa DOLE, nakasaad sa Article 5 ng Labor Code of the Philippines na dapat suspendihin ang trabaho sa private sector sa panahon ng natural o man-made calamity.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado nito. Kaugnay sa tamang pasahod kung hindi pumasok ang isang manggagawa ay hindi ito tatanggap ng suweldo malibang kung may collective bargaining agreement.
Pero kung may leave credits ay maaaring dito nalang ibawas ang pagliban sa trabaho.
Kung pumasok naman ang empleyado ay dapat bigyan ito ng karagdagang bayad, insentibo o benepisyo para sa araw na ipinasok na may kalamidad.
Nagpaalala rin ang DOLE na hindi maaaring piliting magtrabaho ang isang manggagawa kung sa tingin niya ay mapapahamak ito kapag pumasok sa trabaho habang may nagaganap na kalamidad.





Comments