Nang makita uli ang ex-BF after mag-break… Julia, naalala ang mga nangyari sa kanila ni Joshua
- Vinia Vivar
- Jan 13, 2020
- 3 min read

Isa ang napansin ng entertainment press na dumalo sa presscon ng horror flick na Block Z, ang opening salvo ng Star Cinema for the year, ito ay ang hindi pag-uusap ng dalawang bidang sina Joshua Garcia at Julia Barretto na as we all know ay dating magkarelasyon at magka-love team.
Sa pagsisimula pa lang ng presscon ay kapansin-pansin nang hindi nagtabi ang JoshLia at nakapagitna sa kanila ang direktor na si Mikhail Red.
All throughout the presscon ay puro tinginan lang sila although may mga maliliit na pag-uusap namang nagaganap kapag may kailangang saguting tanong na para sa kanilang dalawa.
Obvious din na wala nang komunikasyon ang dalawa at mukhang noon lang sila nagkita ulit sa presscon matapos ang lahat ng kontrobersiya. Halata rin na parang ilang na ilang sila sa isa’t isa.
Napansin din naming malungkot si Joshua at minsan ay nakatulala pa nga.
Sa pagsisimula pa lang ng presscon ay nagsabi na ang mga hosts na i-limit lang ang questions tungkol sa pelikula. Meaning, huwag nang tanungin pa ang dalawa tungkol sa mga personal issues and controversies na alam naman natin kung ano, especially sa part ni Julia na nagkaroon ng family issue.
Natanong ang dalawa kung kumusta ang pagtatrabaho nila sa isa’t isa in the film since horror ito at hindi romantic-comedy na usual genre na ginagawa nila. Sa puntong ito ay medyo nag-usap naman sila.
Sey ni Joshua, “Ako, umpisa pa lang, kami, ‘di ba (sabay tingin kay Julia)? Excited na talaga kami. Nu’ng ipini-pitch pa lang sa amin, actually, hindi pa ipini-pitch, parang sinabi pa lang (sabay-tingin ulit kay Julia at nakatingin din naman sa kanya ang young actress), na gagawa tayo ng zombie movie, sobrang excited na kami. Tapos nu’ng ipinitch na…”
Salo ni Julia, “Na-feel na naming totoo na, it’s coming.”
Dagdag naman ulit ni Joshua, “Sabi pa nga namin, ‘Sana, huwag mapunta sa iba. Sana, kami ang gumawa.’”
Panay naman ang sagot ni Julia ng “Oo.”
Sey pa ng young actress, “Tama si Josh, we were very excited. Sa ilang years naming nag-work together, we did a lot of rom-com, we did a lot of rom-drama, so this was a different experience for us. Parang naging challenge siya (the movie) sa amin.
“Of course, there’s a love angle. So, the challenge there was paano namin aatakihin ang. . . ibang atake, ibang angle, ibang klaseng lalim, it’s edgier, it’s more sacrificial. The love in the movie is more sacrificial,” she added.
Isa pang question sa JoshLia ay kung kumusta na ang working relationship nila at this point lalo nga’t magkakasama sila sa promo since sa Jan. 29 pa ang showing ng pelikula.
Nagkatinginan muna ang dalawa at si Joshua ang unang sumagot.
“Okay naman kami. Okay kami. And. . .” sabi ni Joshua at nag-pause (the usual Joshua’s pause kapag tinatanong). “Okay kami,” ulit niya.
“Actually, nu’ng nakita ko siya, ito, personally, ano ‘ko, parang na-miss ko rin siya. Kasi siyempre, ang tagal naming hindi nagkasama, na-busy siya, na-busy ako,” dagdag ng young actor.
Sinegundahan naman ni Julia ang sinabi ng ex-boyfie.
“We’re okay, thank you for asking and that’s one of the things na I’m super-grateful for, we were able to protect and make sure that the friendship will stay and will remain.
“And tama siya, when I first saw him also, it felt familiar kumbaga. Parang. . .it’s a. . .familiar place, it’s a comfortable place, safe place,” pahayag ni Julia.





Comments