Nabuking ng madir, nasa bahay pala ng Lola Helen… KC, tinaguan si Sharon sa mismong birthday
- Erlinda Rapadas
- Jan 13, 2020
- 1 min read

Photo: @itskcconcepcion(left)/@reallysharoncuneta(right)
Dahil sa ginawang pagsagot ni Gabby Concepcion sa paglilitanya ni Megastar Sharon Cuneta sa mga sama ng loob niya sa kanilang anak na si KC Concepcion, mukhang hahaba at lalaki pa ang isyu at may mga bagay-bagay pang muling mauungkat. That is kung hindi hahayaan at palalampasin ni Shawie ang mga simpleng banat at sumbat sa kanya ng ex-husband.
Hopefully, hindi na nga patulan pa ni Sharon ang mga patutsada sa kanya ni Gabby at tuluyan nang matuldukan ang isyu nila ng kanyang anak na si KC. Ginawa lang naman ni Gabby ang tungkulin niya bilang tatay ni KC.
Hindi pabor si Gabby na sa social media pa idinaan ni Sharon ang kanyang mga sama ng loob kay KC. Hindi na raw sana isinapubliko ng Megastar ang pampamilya nilang problema ni KC. Dapat daw ay si Sharon mismo bilang ina ang nagpoprotekta sa anak.
Let’s see kung ano ang magiging resbak dito ni Shawie.
Ilang netizens naman ang nag-comment na bakit mas ginusto pa ni KC na makasama ang kanyang Mamita Helen Gamboa (na kapatid ni Mommy Elaine Cuneta) noong Pasko gayung hinihintay ni Sharon ang kanyang pagdating?
At sa araw ng mismong kaarawan ng Megastar, nalaman daw ni Sharon na nasa Sotto’s house lang pala si KC pero hindi man lang bumati sa kanyang kaarawan.





Comments