top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga Chinese, tumutuklas ng paraan para labanan ang HIV, nakakatakot lang!

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Jan 13, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng mahahalagang prediksiyon ngayong 2020.

Ngayong taon, lihim na kumikilos ang malalaking bansa na may malakas na militar kung saan lalo pa nilang pinalalakas ang kanilang puwersa. Masasabing tapos na ang “nuclear race” kung saan nagkukumahog ang mga bansa na maging nuclear power.

Pero iba na ngayon dahil ang mga bansa ay nagkakaisa na wala nang sinuman ang magdaragdag ng nuclear arms.

Kaya ang North Korea at Iran ay hinahadlangan ng lahat ng bansa sa kanilang ambisyong maging kapantay ang mga may superpower.

Ang lihim na “karera” sa genetic weapons, ang mismong sundalo o tao ay minamanipula ang genes nang hindi makaramdam ng sakit para kung mapalaban sa giyera ay hindi masasaktan kahit tamaan ng malalakas na armas.

Mapanghimasok ang paraang ito dahil lihim ding nagmamadali ang mga superpower na makalikha ng nasabing klase ng “sundalo”.

Napabalita na sa China ay hinuli at ikinulong ang ilang scientists na nagmanipula ng genes ng tao para hindi kumalat ang sakit na HIV sa kanila.

Dahil nagtagumpay ang mga scientist na ito, ang tunay na nangyari ay hindi sila ikinulong, pero hinuli para mapakinabangan ng China ang kanilang natuklasan para sa genes manipulation.

Dahil dito, China ang nangunguna sa genes manipulation arms race. Gayunman, lihim na malayo na rin ang narating ng Russia sa ganitong science kaya masasabing maaaring noon pa nila naunahan ang mga Tsino.

Samantala, dahil ang America ay abala sa pagpo-police sa buong mundo, hindi umusad ang kanilang genetic science na pangmilitar. Paano masasabing nagtagumpay ang mga Tsino sa larangan ng manipulations ng genes na ang tao ay hindi na tatablan ng HIV virus?

Simple lang naman, pero nakakikilabot dahil bago nila idineklarang nagtagumpay sila, ang taong pinakialaman nila ang genes ay hinayaan muna nilang makasalamuha sa mga pangkaraniwang tao, dinala nila sa mga lugar kung saan may mga HIV virus, lugar ng prostitution tulad ng Ermita, Malate, Makati, Olongapo at mga kalye na tambayan ng mga prostitutes tulad ng Recto, Cubao at iba pa.

Bagama’t nagtagumpay sila, hindi natatapos ang ganitong pananaliksik kaya ngayon, ang ating bansa ay dinaragsa ng mga Tsino at walang nakaaalam kung ang mga nabanggit ay kasama ng mga lugar na pag-aaralan pa nila upang umunlad ang pagmamanipula ng genes para labanan ang HIV.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page