May BF na pero ayaw tigilan ng friend at palaging binibigyan ng regalo
- Roma Amor
- Jan 13, 2020
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Angelique, 23, sumulat ako sa inyo dahil naiinis na ako sa kaibigan ko dahil ang dami niyang ibinibigay sa akin na kung anu-ano mula pa noong Pasko. Nu’ng una, okay lang, pero nang nagtagal ay parang iba na ang napapansin ko at inalam ko kung para saan ‘yun at alam niya na may boyfriend ako. Kinausap ko na siya tungkol dito dahil naiinis na ako, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil. Minsan, ‘pag umuuwi ako ay may regalo ako galing sa kanya. Ano ang dapat kong gawin? – Angelique
Angelique, Kung sa tingin mo ay hindi nauunawaan ng kaibigan mo ang sinabi mo, at least, alam mong hindi ka nagkulang sa pagpapaalala at tama naman ang ginawa mo na kausapin siya dahil sa kakaibang ikinikilos niya para sa‘yo. Sa ngayon, ‘wag mo na muna siyang kausapin at sabihin mo sa pamilya mo na ‘wag tanggapin ang regalong ipabibigay niya sa‘yo nang sa ganu’n ay tigilan na niya ang pagbibigay ng kahit ano sa‘yo.





Comments