top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

KC, inaabuso raw ng sariling madir… Gabby, todo-deny na si Sharon ang pinatututsadahan sa IG post

  • Julie Bonifacio
  • Jan 13, 2020
  • 2 min read

Successful ang official grand opening ng Beaute’ Talk store ni Sherilyn Reyes sa Robinson’s Place sa Su­mulong, Antipolo.

Tuwang-tuwa si Sherilyn sa all-out support na ibi­nigay sa kanya ng owner ng Beau­te­derm na si Rhei Tan. Present kasi ang iba pang celebrity endorsers ng Beaute­derm sa grand opening ng store ni She­rilyn.

Bukod sa presence, nag-perform din ang mga dumating na celebrities gaya nina Ejay Falcon, Ken Chan, Rita Daniela, KitKat, Ca­mille Prats, Ria Atayde, Alma Concepcion, Rochelle Barameda and as of this writing, wait pa ng crowd sina Gabby Concepcion and Lorna Tolentino.

Siyempre, nandoon din si Hashtag Ryle Santiago na isa sa endorsers ng Beautederm na nagsilbing host sa event with Maricel Morales.

Na-miss naman namin sa event ang mister ni Sherilyn na si Chris Tan na nagpapagaling pa.

On our next column, ikukuwento natin ang kaganapan kay Papa Chris at ang mga pinagdaanan nila ni Mommy Shey last year.

And while writing this, dumating na si Gabby sa backstage.

Habang nagpapapiktyur, we mentioned to him na ang daming nag-comment, nag-repost at gumawa na ng isyu about his post sa kanyang Instagram account.

Duda ng marami, pinarurunggitan ni Gabby sa kanyang post si Megastar Sharon Cuneta. And we asked him, bakit siya nag-post ng ganoon.

“It’s my post. That’s my account,” pahayag ni Gabby.

May point nga naman si Gabby.

Puwede raw niyang gawin kahit ano ang gusto niya sa kanyang social media account, kasi nga, kanya ‘yun.

Mariin namang itinanggi ni Gabby sa amin when we asked him again kung may koneksiyon ba ‘yun sa Instagram post ni Mega Sharon tungkol sa unica hija nila na si KC Concepcion gaya ng inaakala ng marami, na may ibang tao siyang tinutukoy sa kanyang kontrobersiyal na post.

‘Yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page