Horoscope | Enero 13, 2020 (Lunes)

Sa may kaarawan ngayong Enero 13, 2020 (Lunes): Tulad ng ilog na ang agos ay tila hindi matapus-tapos, ang magagandang kapalaran mo ngayong taong ito ay gayundin, parang wala nang paghinto sa pagdating.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magmadali sa ngayon. Maging mapagmasid ka dahil ang mga dapat unahin mo ay iyo nang asikasuhin. Sa pagmamadali, ikaw ay puwedeng magkamali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-20-24-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manguna ka! Ikaw ang maging lider ngayon sa mga proyektong may kaugnayan sa kung paano mapauunlad ang pamilya na sa huli, ang kasaganahan ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-25-30-33-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Ibahagi mo ang kakaibang mga ideya mo. Sa kabuhayan, ikaw ay hindi madamot, kaya sa mga payo ay huwag ka ring magdamot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-28-30-34-41-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi maganda na binubuhat ang sariling upuan. Kaya lang, sa dami ng suwerteng magdaratingan sa iyo, hindi ka makaiiwas na magyabang sa kapwa mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-17-21-26-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malaki pa ang isusulong ng kabuhayan mo kapag sineryoso mo ang pagpapaunlad sa pinagkakakitaan mo. Iwasan mong matutok ka sa ibang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-19-20-25-36-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mata sa mata, ngipin sa ngipin, ‘wag mo itong gagawin. Ang mga umapi sa iyo na nagkakalat ng mga kuwentong hindi totoo ay ang langit na mismo ang magtuturo sa kanila ng leksiyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-20-27-31-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi nagsisinungaling ang mahiwagang salamin sa dingding. Ang sinasabi ay ikaw ay paganda nang paganda, kasabay ng pagganda ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-18-20-26-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi makabubuti sa iyo kung pahihirapan mo ang iyong sarili dahil sa problema ng iba. Tumulong ka, pero ang may problema, dapat siya ang unang tumulong sa kanyang sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-22-27-30-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tanggapin mo ang bagong posisyong inaalok sa iyo. Ang hirap at pagod ay pansamantala lang. Ang mahalaga ay ang gumanda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-20-25-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tama ang pangako mo sa iyong sarili na lalabanan mo ang pagiging mahiyain mo. Ito ay nagbabalita na ang mundo mo ay lalaki at ang pagyaman mo ay mabilis mong makukuha. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-7-19-20-35-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang wala sa isang tao, ‘yun ang dapat niyang pagsikapang makuha. Dahil dito, ‘wag kang makinig sa madalas na ipinapayo na ang kaligayahan mo ay nasa tulad mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-20-21-27-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at sa ilang mga araw pang darating. Sino naman ang mamalasin? Sino pa ba, eh, ‘di ang mga taong walang bilib sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-26-34-38-41.




Comments