Gov’t. employee huli sa droga
- V. Reyes
- Jan 13, 2020
- 1 min read

Arestado ang isang tauhan ng Mandaue City Environment and Natural Resources Office (MCenro), gayundin ang sinasabing nagsusuplay sa kanya ng ilegal na droga kasunod ng mga ikinasang buy-bust operation sa Mandaue City, kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Police Major Hugo Rio Ipong, kinilala ang mga suspek na sina Jennifer Seville, 40, eco-enforcer ng MCenro, kanyang bayaw na sina Julito Moca, 46, at Archie Apor, 21. Naaresto rin sa hiwalay na operasyon ang itinuturong supplier umano ng ilegal na droga ni Seville na si Francis Ranile, 39.
Kasalukuyang nakadetine sa Canduman Police Station ang apat na suspek na nahulihan umano ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P272,000.





Comments