top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 sekyu nagbarilan

Maeng Santos
Jan 13, 2020
1 min read

Tinapos ng isang security guard at kanyang dating kabaro ang matagal na nila umanong alitan matapos magduwelo gamit ang baril sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Si Niño Abia, security guard ng Eastern Force Security Agency ay nagtamo ng tama ng bala sa magkabilang hita habang ang kanyang dating kabaro na si Marjun Relatado, 32, dismissed security guard sa naturang security agency ay hinahanting na ng pulisya para maaresto.

Ayon sa pulisya, base sa kuha ng CCTV, kapwa nakatayo ang biktima at ang suspek alas-7:45 ng gabi.

May hawak na hindi mabatid na kalibre ng baril si Abia at ilang ulit na nagpaputok patungo sa direksiyon ni Relatado na agad namang naglabas ng baril at gumanti ng mga putok kung saan tinamaan ang biktima sa magkabilang hita.

Agad isinugod ang biktima ng kanyang live-in partner na si Marilyn Noval sa Chinese General Hospital upang magamot habang tumakas naman si Relatado matapos ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page