top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Todo-paramdam na raw… John Lloyd, kailangan sina Bea at Aga para makabalik sa showbiz

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 12, 2020
  • 1 min read

May mga paramdam na si John Lloyd Cruz sa kanyang intensiyon na magbalik sa showbiz, tutal naman ay hiwalay na sila ni Ellen Adarna, na siyang dahilan noon kaya pansamantala niyang iniwan ang pag-aartista.

Tatlong taon ding nag-lie-low sa showbiz si Lloydie. Namuhay siyang malayo sa mundo ng pelikula at piniling maging ordinaryong tao. Sinulit niya nang husto ang malayang oras at panahon na walang pressure sa trabaho at nasa likod lang ng kamera.

Ang pagge-guest niya sa pelikulang Culion (cameo role) kung saan isang eksena lang siya with Meryll Soriano ay paramdam na gusto nang balikan ni JLC ang pag-arte. May mga nagaganap na pag-uusap sa kanila ni Direk Lav Diaz kung saan isang malaking project ang kanilang binu­buo. Pero, wala pang mali­naw na detalye tungkol dito.

Lalo tuloy nasasabik ang mga fans ni Lloydie sa kan­yang comeback movie. May nag-suggest na muli silang mag-team-up ni Bea Alon­zo, ang kanyang perennial leading lady, o kaya ay magsama sila ni Aga Muhlach, at tiyak na big hit ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page