top of page
Pokwang.jpg

Rollback sa gas

Gina Pleñago
Jan 12, 2020
1 min read

Magpapatupad ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, epektibo alas-6:00 ng umaga ng Enero 14, magbabawas ito ng 30 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene at 20 sentimos naman sa diesel habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis tulad ng Petron Corporation, Total Philippines, Flying V, PTT Philippines, SeaOil at Phoenix Petroleum sa kahalintulad na bawas-presyo sa petrolyo.

Tuwing Martes, madalas na ipinatutupad ng oil companies ang kanilang price adjustment.

Ang nagbabadyang oil price rollback ay kaugnay sa pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page