Nagtuksuhang kalbo at bakla.. Klasmeyt sinuntok, patay

Dedo ang 15-anyos na Grade 9 student, matapos umanong suntukin ng 18 years old na kaklase sa Talisay City, Cebu.
Kinilala ang nasawi na si Nash Empaces, habang suspek naman si Cegie Cristuta Gallicia, 18, residente ng Talisay City.
Ayon kay Police Senior Master Sergeant Alfredo Ygot Mandal, bullying ang dahilan ng insidente.
Kalbo umano kung kutyain ng suspek ang biktima habang bakla naman ang bansag ng biktima sa suspek.
Gayunman, ang umano’y panunukso sa isa’t isa ay tila hindi nakayanan ng suspek at sinuntok umano nito ang biktima sa batok at tiyan.
Dahilan ito sa pagbagsak ng biktima at sinasabi ring nabagok sa semento.
Ayon sa mga magulang ng biktima, sinubukan nilang kontakin ang kanilang anak ng gabing iyon para pauwiin na ito galing sa isang exam.
Laking-gulat nila nang ibang tao na ang sumagot sa kanilang tawag.
Sinabihan sila ng taong nakausap nila na hirap nang huminga ang biktima at wala na itong malay.





Comments