top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Enero 12, 2020 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 12, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 12, 2020 (Linggo): Sobrang malakas ang iyong perso­nalidad kaya nakababang­ga mo ang mga may mala­lakas ding pagkatao. Ang masayang balita ay wala silang panalo laban sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kokontrahin ka mismo ng iyong sarili. Pero dahil negatibong kaisipan ang sinasabi ng sarili mo, ituloy mo ang kasalukuyang kagustuhan mo upang umunlad ka nang sobra-sobra. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-22-27-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makibahagi ka sa mga usa­pang puwede kang makapulot ng magagan­dang ideya. Sa simpleng pakikinig, marami kang matututunan kaysa nag-iisa ka lang sa loob ng bahay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng iyong kapalaran at ito ay dahil sa napakaraming pananaw na naiisip mo. Madalas, ang sobrang pag-iisip ay had­lang sa kung paano mapa­bibilis ang pagyaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-17-28-30-31-38.

CANCER (June 21-July 22) - Ngayong ta­ong ito, bawa­san mo ang pagiging ma­dam­damin mo. Dahil bilang pag­tatapat sa iyo, ang pagkakaroon ng ya­man at kabuhayan ay sa­lu­ngat sa utos ng dam­da­min. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-26-31-39-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung saan may saya, roon ka. Kung saan may harutan, doon ka. Kung saan may tawa­nan at biruan, doon ka. Hindi puwedeng pagha­rian ka ng kalungkutan sa araw na ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-18-25-27-35-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tagapagturo, ito ang papel mo sa mundo ngayon. Turuan mo ang kapwa mo ng kakaibang pormula upang umasenso. Sa iyo manggagaling ang mga susi ng tagumpay para sa mga tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-20-25-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo ang iyong kalo­oban. Ngayong taong ito, mismong kapalaran mo ang kikilos para maibigay sa iyo ang mga kagustu­­han mo sa buhay. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-20-24-30-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibinaba­lita ng iyong kapa­la­ran na ngayong taon ay aangat nang husto ang ka­­bu­hayan mo kahit magka­mali ka ng diskarte at kahit wala kang gawing kakai­bang pagkilos. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-24-29-33-41.

SAGITTA­RIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malayo at ma­la­ki ang iaabante ng buhay mo ngayong taon. Magsa­ya ka at huwag mong ipag­kait sa sarili mo ang ilang luho at sarap ng buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-7-10-16-28-39-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hadlang sa mabilis mong pag-unlad ang mga kaibigan mong ang gusto lang ay ang maisahan ka. Magbawas ka ng mga kakilala mong iba ang ugali. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-20-27-32-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ka­pag pi­naghaharian ka ng saya ngayong taon, ibig sabi­hin, ang pagyaman ay abot-kamay mo na. Ka­ya lumayo ka at ‘wag dumikit sa mga taong nakakahawa ang ka­lung­­kutan. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-18-24-39-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mamili ka sa napakarami mong pangarap. Huwag mong kalilimutan na kapag dinakot ng kamay ang bigas, ni isa ay wala siyang makukuha. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-24-28-36-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page