top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Condo at pagawaan nasunog

Mylene Alfonso
Jan 12, 2020
1 min read

Isang residential tower sa Malate, Maynila ang tinamaan ng sunog, na nagsimula bandang alas-5:00 kahapon ng hapon, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Umabot sa ikaapat na alarma ang naturang sunog sa Legaspi Tower sa Roxas Boulevard, na umabot sa 7th floor ng gusali.

Pinalabas ang mga residente ng gusali at kinumpirma ng mga tauhan ng Philippine Red Cross na isang lalaki ang tumalon mula sa gusali at agad na dinala sa pagamutan.

Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang sunog dahil sa taas ng gusali.

Samantala, isang pagawaan sa San Mateo, Rizal ang sumiklab din kahapon.

Ayon sa BFP, alas-6:00 ng gabi nang magsimula ang apoy sa tinutulugan ng mga manggagawa ng naturang planta.

Pag-aari umano ng isang Johnny Buenviaje ang pagawaan.

Wala namang naiulat na nasaktan sa pagsiklab.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page