Anak, pinagpe-presidente.. Sara, ‘wag n’yong demonyohin! — P-Digong

Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na huwag magpadala sa mga nag-uudyok sa kanyang tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022.
Sinabi ni Duterte na huwag magkakamali si Inday na tumakbo sa posisyon dahil sa insultong aabutin ng anak.
“Kaya si Inday ayaw ko. Huwag n’yong demonyohin ‘yang anak ko kasi maawa ako sa kanya. Anak ko ‘yan, eh. ‘Pag presidente… Baka mainsulto kayo,” wika ni Duterte sa kanyang talumpati sa Cotabato.
Hindi ito ang unang beses na binalaan ng Pangulo si Inday sa pagtakbo bilang pangulo.
Noong nakaraang taon, inamin ng Punong Ehekutibo na nagsisisi siyang tumakbo sa pagka-presidente dahil sa hindi mabilang na problema ng bansa. Sa kabila nito, sinabi naman ng alkalde na wala siyang planong tumakbo sa presidency pero, hindi niya isinasara ang posibilidad at magdedesisyon sa susunod na taon kaugnay sa naturang usapin.





Comments