Albay, niyanig ng 4.1
V. Reyes
Jan 12, 2020
1 min read

Tumama ang Magnitude 4.1 na lindol sa Rapu-Rapu, Albay, kahapon ng umaga.
Batay sa impormasyon ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 22 kilometers Northeast ng Rapu-rapu, alas-9:17 ng umaga.
May lalim ang lindol na 23 kilometers at tectonic ang dahilan.
Kaugnay nito, naramdaman ang Intensity 3 sa Legazpi City habang Intensity 2 sa Bulusan, Sorsogon. Tiniyak naman na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.





Comments