top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PRURide UCI 2.2 , pepedal sa Clark SEZ sa Marso

A. Servinio
Jan 11, 2020
1 min read

Magbabalik ngayong Marso 11 hanggang 15 ang PRURide PH, ang tinatayang pinakamalaking karera ng bisikleta sa bansa na bukas sa lahat.

Inaasahan na mahigit 2,500 ang darayo sa bagong tahanan ng karera sa Clark Special Economic Zone sa Pampanga.

Ang unang tatlong araw ay ilalaan para sa PRURide UCI 2.2 Stage Race tampok ang mga proesyonal galing sa pinagsamang 18 koponang Filipino at banyaga.

Ang defending champion ay si Marcelo Felipe ng 7-Eleven at pangungunahan niya ang mga siklistang Pinoy sa paglikom ng puntos para makalahok sa 2020 Tokyo Olympics at ang P2-M para sa mga magwawagi.

Magkakaroon ng Criterium Race sa Marso 14 kung saan mabilis iikot ng ilang beses sa paligid ng Mimosa Leisure Estate.

Magwawakas ang lahat sa Linggo sa Gran Fondo kung saan puwedeng mamili sa 40, 60 o 100 kilometro na dadaan papuntang New Clark City kasama sina Race Ambassadors Zoren Legaspi, Gretchen Ho at Kuya Kim Atienza.

Maaring magpalista para sa Criterium at Gran Fondo sa www.pruride.ph at lahat ng lalahok ay tatanggap ng damit pang-bisikleta at medalya sa lahat ng magtatapos. Hanggang Enero 15 nalang ang inaalay na diskwento para sa mga maagang sasali.

Dahil sa mahusay na pagpatakbo ng PRURide PH noong 2019 sa Flinvest Alabang at Subic Bay, ginawaran ang karera ng tanso sa 5th Sports Industry Asia Awards bilang Best Sponsorship of Sport, Team, Athlete, Venue or Event sa Pilipinas noong Disyembre.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page