top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Preso, tinepok ng kapwa preso

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 11, 2020
  • 1 min read

NUEVA VIZCAYA — Patay ang isang preso nang saksakin ng kapwa niya preso kamakalawa sa loob ng provincial jail sa bayan ng Bayombong.

Kinilala ang biktima na nagtamo ng tig-isang saksak sa ulo at dibdib na si Alvin Buscas, 21-anyos, samantalang, ang suspek ay si Esmeraldo Olarte, kapwa preso sa Nueva Vizcaya Provincial Jail.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Buscas at Olarte na humantong para maglabas ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Dinala pa ng mga jailguards si Buscas sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung paano nagkaroon ng patalim ang suspek sa loob ng piitan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page