top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Para sa 2020 National and Local Elections.. Voter's registration, start sa Enero 20

Madel Moratillo
Jan 11, 2020
2 min read

Muling ipagpapatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ngayong buwan ang voter's registration sa bansa para sa 2022 National and Local Elections.

Ayon sa Comelec, sa halip na sa Hulyo 6, 2020 ay nagpasya silang ipagpatuloy na ang voter's registration ngayong buwan matapos ipagpaliban ang May 11, 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ang pagpaparehistro ay tatagal hanggang Setyembre 30, 2021. Ang persons with disabilities, senior citizens at mga miyembro ng Indigenous Peoples (IP) o Indigenous Cultural Communities at iba pang miyembro ng vulnerable sectors ay maaari na rin umanong magpa-update ng kanilang record sa

nasabing mga petsa.

Nabatid na ang aplikasyon at pag-update ng record ay dapat personal na isagawa ng botante sa Office of the Election Officer sa lungsod o munisipalidad kung saan nakatira ang isang aplikante mula Lunes hanggang

Sabado kasama ang araw ng holidays, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Hindi naman tatanggap ng aplikasyon ang Comelec sa mga petsang Abril 9 at 10, 2020 na natapat sa araw ng Huwebes Santo at Biyernes Santo; Disyembre 25, 2020 na araw ng Pasko at Abril 1 at 2, 2021, na natapat din sa araw ng Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Samantala, dahil naman sa pagdaraos ng plebisito sa 23 munisipalidad ng Palawan sa Mayo 11, 2020 ay hindi muna magdaraos ng voter's registration doon ang Comelec, maliban na lamang sa Puerto Princesa City.

Kabilang umano sa mga maaaring magparehistro ay ang mga tutuntong ng 18-anyos hanggang sa araw ng halalan o sa Mayo 9, 2022.

Dapat ding residente siya ng Pilipinas sa loob ng isang taon at anim na buwan nang naninirahan sa lugar kung saan niya nais na bumoto sa mismong araw ng halalan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page