top of page
Pokwang.jpg

P12 pasahe sa jeep, inihirit na sa LTFRB

BRT
Jan 11, 2020
1 min read

Naghain na ng kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang limang grupo ng jeepney transport groups.

Sa anim na pahinang petisyon ng grupong ACTO, ALTODAP, FEDJODAP, LTOP at Pasang Masda, P12 ang hinihingi nilang pamasahe para sa unang apat na kilometro at P2 dagdag sa kada kilometro sa Metro Manila.

Hinihingi rin ng mga ito na ibalik sa sampung piso ang minimum na pasahe na siyam na piso habang dinidinig ang kanilang petisyon na itaas sa P12 ang minimum na pasahe.

Matatandaang, noong December 3, 2018, nagpalabas ng resolusyon ang LTFRB para sa provisional reduction ng pasahe matapos na bumaba ang presyo ng diesel.

Sa kasalukuyan anila, nasa P40 hanggang P45 ang kada litro ng diesel na posible pa umanong sumipa ang presyo dahil sa namumuong gulo sa gitnang silangan maliban pa sa ipapataw na excise tax ng gobyerno.

Hindi pa kasama ang mataas na presyo ng mga piyesa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page