top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

P-Digong pinalagan, sigaw ng mga guro.. P16 dagdag-sahod kada araw, kulang!

  • BRT
  • Jan 11, 2020
  • 1 min read

Hindi ikinatuwa ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Salary Standardization Law para sa mga rank and file employee sa bansa.

Wala umanong dapat ipagpasalamat dito ang mga guro sa pampublikong paaralan at iba pang kawani ng gobyerno dahil kulang ang halagang madaragdag sa kanilang sahod.

Sa ilalim ng bagong batas, daragdagan ngayong taon ng P483 ang sahod ng mga nasa Salary Grade 1 o P16 kada araw para sa pinakauna sa apat na tranches ng implementasyon nito hanggang 2023.

Ani Castro, ang mga entry level teacher sa ilalim ng Salary Grade 11 ay makatatanggap ng increase na P1,562 o karagdagang P52 kada araw.

Malayo aniya ito kung ikumpara sa ilang taon nang hinihiling ng mga guro at iba pang government employees kaya hindi aniya marapat sabihin ng

Duterte administration na ipinagkaloob nito ang kanilang kahilingan sa pamamagitan ng bagong batas.

Sa pagtaas pa lang aniya ng presyo ng mga bilihin, income tax bunsod ng TRAIN Law at iba pang bayarin para sa kontribusyon ay kulang ang nakaambang wage increase.

Hindi aniya ito patas para sa mga guro at iba pang rank and file employees ng pamahalaan kumpara sa dagdag-suweldo na ipinagkaloob sa mga pulis at sundalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page