top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nanganak ng quadruplets sa panaginip pero namatay ang 2, sign na 2 lang ang magkakatotoo

  • Socrates Magnus
  • Jan 11, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Hiedra ng Hiedra_Monton@facebook.com

Dear Professor, Gusto kong malaman kung ano ang kahulugan ng panaginip ko? Nagbuntis ako ng quadruplets kahit hindi ako nakikipag-sex at ‘yung dalawang baby ay namatay habang nasa tiyan ko pa.

Ano ang ibig sabihin nito? Salamat nang marami!

Naghihintay, Hiedra

Sa iyo Hiedra, Sa mundo ng panaginip, ang nanaginip ng buntis ay hindi sanggol ang ipinagbubuntis kaya hindi rin sanggol ang isisilang dahil ang ipinagbubuntis sa panaginip ay ang nakatakdang kapalaran. Oo, iha, kapalaran at hindi baby girl o baby boy.

Medyo mahirap paniwalaan ang katotohanang ito, pero kung naalala mo ang sinasabing “ang mga bituin ay iniluluwal din”, ang tao ay may kani-kanyang bituin kung saan ang bituin mismo ang nagsasabi ng kapalaran ng bawat tao.

Kumbaga, sa pagluwal ng ina sa sanggol, ang kanyang bituin ay iniluluwal din sa kalangitan, kaya hindi lang sanggol ang ipinanganganak dahil ang mga bituin ay isinisilang din.

Sa iyong panaginip, muli, ang ipinagbuntis mo ay ang iyong nakatakdang kapalaran kaya masasabi na ang takdang kapalaran mo ay parating na.

Gayundin, apat ang ipinagbuntis mo, pero namatay ang dalawa, ibig sabihin, ang dalawang namatay na takdang kapalaran mo ay hindi na mangyayari pa.

May isa pang katotohanan sa mundo ng panaginip tungkol sa pagsilang ng sanggol at ito ay nagsasabing ang mga anghel sa langit ay nagdiriwang kapag isinilang na ang takdang kapalaran ng bawat tao, gayundin, palatandaan ito na ang takdang pangyayari ay kailangang maranasan ng bawat tao nang sa gayun ay mabigyang-daan ang kanyang magagandang kapalaran.

Sa kabuuan, ang panaginip mo ay nagsasabing ngayong taon, ang mga suwerte mo ay ipanganganak na kaya magsaya ka tulad ng mga anghel sa langit kapag may isinisilang.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page