Miyembro ng MILF, nilikida ng riding-in-tandem
NORTH COTABATO — Isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nakabase sa nasabing lalawigan ang napatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion 8, Midsayap.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Homidie Kadto, 27-anyos.
Ayon sa ulat ng pulisya, lulan ng kanyang motorsiklo si Kadto nang dikitan ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga suspek.
Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.





Comments