top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Memorial Complex, puwede na sa NCAA, UAAP atbp.

Gerard Arce
Jan 11, 2020
2 min read

Inaasahang tatanggap ng ilang mga kaganapan o paligsahan ang makasaysayang Rizal Memorial Coliseum (RMC) partikular na ang pampalakasang liga matapos itong mapaayos bago magbukas ang 30th Southeast Asian Games.

Isinagawa ang masusing pagre-renovate ng 93-anyos na makasaysayang coliseum noong Hulyo ng nakaraang taon kasabay ang mga pasilidad sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex bilang plano ng pambansang ahensiya ng pampalakasan na mas magamit pa ng libu-libong national athletes sa mga darating na pagsasanay at kompetisyon. “We are very optimistic. There are a lot of events lined up in our calendar and we are excited to host them here inside this historical coliseum,” pahayag ni Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez.

Sa nagdaang biennial meet ay nasaksihan ng madla ang napakagandang pagbabago na nagpalitaw ng angking liwanag nito sa kadiliman matapos ganapin dito ang Gymnastics competitions na nagpalabas kay 2020 Tokyo Olympics-bound Edriel “Caloy” Yulo kung saan nagwagi ito rito ng dalawang ginto at limang silver medals.

Ginanap din sa Sports Complex ang apat sa 56 sports sa SEA Games na ginanap noong Nobyembre 30-Disyembre 10 kabilang ang weightlifting, tennis, football at taekwondo. Kabilang sa mga nasa loob ng Sports Complex ay ang Ninoy Aquino Stadium, Tennis Center at Football Field.

Ang 6,100 seating indoor arena ay naging pangunahing lugar na pinagganapan ng mga liga mula sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), National Collegiate Athletic Association (NCAA) at mga laro sa Philippine Basketball Association sa mga nagdaang taon. Gayunman, inaasahang maaaring muling pagganapan ang naturang lugar sakaling matapos ng kabuuan ang renobasyon sa loob ng sports complex.

Bilang paghahanda sa nalalapit na selebrasyon ng ika-30th taon ng PSC ay magkakaroon ang ahensya ng pampalakasan ng isang simple ngunit, makabuluhang pagtitipon sa loob ng RMC. “This is a milestone for PSC. As we celebrate our 30th year, we want it to be inside the Rizal Coliseum which has seen many significant events in Philippine Sports,” wika ni Ramirez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page