top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lady Chiefs, nakadepensa vs. Pirates sa NCAA Volley

  • VA
  • Jan 11, 2020
  • 1 min read

Pinasadsad ng reigning champion Arellano University ang Lyceum of the Philippines University sa loob ng straight sets, 27-25, 25-20, 25-20 upang simulan ang kanilang 4-peat campaign kahapon sa pagbubukas ng NCAA Season 95 Volleyball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Hindi napigilan ang nakaraang taong Finals MVP na si Regine Arocha sa pamumuno sa Lady Chiefs at nagposte ng 18 puntos bukod pa sa 8 digs at 9 na receptions para giyahan ang panalo. Sinundan siya ng kakamping si Carla Donato na may 12 puntos tampok ang 7 blocks.

Nag-iisang nagtapos na may double figure para sa Lady Pirates si Alexandra Rafael sa itinala nitong 12 puntos at 9 na receptions. Pagkaraang maunahan sa first frame, nakailang beses pang nagkaroon ng tsansa ang Lady Pirates na makasingit at kumopo ng panalo sa sumunod na dalawang sets, pero nagkaproblema sila sa kanilang mga unforced errors partikular sa service box kung saan nagmula ang game clinching point.

Nauna rito, pinataob din ng Chiefs ang nakatunggaling Pirates sa unang laro sa men’s division, 25-22, 25-24, 25-22. Nanguna si Jesrael Liberato sa nasabing panalo sa iniskor nitong 15 puntos kasunod sina Christian Segovia at Jethro Cabillan na may tig-10 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page