top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Baseball 5 at wushu, isasali sa Dakar 2022 Summer YOG

Gerard Arce
Jan 11, 2020
1 min read

Dalawang pampalakasan ang nakatakdang isali ng International Olympic Committee (IOC) Executive Board matapos aprubahan ang mga ito na mapasama sa listahan ng mga laro sa Dakar 2022 Summer Youth Olympic Games simula Okt. 22-Nob.9.

Ang mga larong Baseball5 at Wushu ay mapapabilang na sa naturang paligsahan dahil na rin sa paghiling ng Dakar 2022 Organizing Committee.

“The addition has the potential to further develop these two exciting sports in Africa,” ayon sa ipinalabas na statement ng IOC.

Ang isa sa mga pinaka-pinananabikang laro sa mundo na Baseball, gayundin ang Softball, ay muling magbabalik sa Olympic Games sa Tokyo Japan simula Hulyo 24-Agosto 9, habang ang Wushu ay ginanap bilang exhibition event noong Nanjing 2014 Youth Olympics.

Kabilang sa naturang dalawang pampalakasan ay ang limang sports na Breaking (dance), Karate, Skateboarding, Sports Climbing at Surfing, na masasaksihan sa mga darating na Olympic Games bilang mga non-traditional events, samantalang ang Beach Wrestling ay unang beses din gaganapin sa Senegal Games.

Kakaibang Baseball na laro naman ang makikita sa Baseball5 dahil pagsasamahin ang dalawang kasarian na may tig-apat na lalaki at babae para sa unang Olympic Sport na mixed-gender event. Bibigyan ng apat na events ang Wushu sa men’s at women’s Changauan at Taijiquan.

“It is designed to play into our plans to have more gender equality and it is something that appeals to youth,” wika ni IOC spokesman Mark Adams. “Both sports have a lot of interest in Africa and I think they will be a big success.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page