2 lalaki nakuryente, patay

Nangisayy hanggang sa mamatay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na insidente sa Iloilo.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Felipe Anacan ng Pasig City.
Nag-aayos umano si Anacan ng kable sa poste na nasa labas ng kanilang bahay nang masagi nito ang nakabukas na buhay na linya ng kuryente.
Ganito rin ang sinasabing nangyari sa foreman na si Feliciano Socorin sa bayan ng Pavia na inakyat umano ang poste ng kuryente para makadaan ang sinasakyan nitong mixer.
Nahawakan umano ng biktima ang live wire na dahilan upang mangisay ito at masawi.





Comments