Pahirap ang Bolts sa Lucena, pero balwarte ito ng Kings
- ATD / Alvin Olivar
- Jan 10, 2020
- 2 min read

Tangka ng Barangay Ginebra Kings na makuha ang 2-0 na kalamangan sa PBA Governors’ Cup finals sa kanilang paghaharap laban sa Meralco Bolts sa Game 2 na gaganapin mamayang gabi sa Quezon Convention Center sa Lucena.
Maghaharap ang Gin Kings at Bolts sa isang out-of-town game sa ganap na alas-7 ng gabi. Muling nagbalik ang PBA Finals sa Lucena matapos ganapin ang isang laro ng 2017 Governors’ Cup na pinagtunggalian din ng Ginebra at Meralco.
Nakuha ng Barangay Ginebra ang panalo sa unang laro ng serye pagkaraang talunin ang Meralco, 91-87. Nanguna si Justin Brownlee nang umiskor siya ng 38 points ngunit ang naging storya ng laro ay ang naging depensa na pinamalas ni Japeth Aguilar sa huling sandali ng laro.
Nasupalpal ni Aguilar ang lay-up ng Meralco import Allen Durham na magsisilbi sanang panabla para sa Bolts sa naturang laro. Ngunit imbis na tumabla ang Meralco ay lumobo ang abanse ng Barangay Ginebra sa apat matapos magbuslo ng dalawang free throws si Brownlee.
Lumipat ang serye sa Lucena kung saan dumating ang dalawang koponan kahapon para sa kanilang paghahanda sa laro. Ayon kay Barangay Ginebra coach Tim Cone, kapwa may positibo at negatibo ang paglalaro ng out-of-town sa finals. “It’s always tough with the travel and the conditions are always difficult but there is a real sense of togetherness when you go out-of-town because you are on the road together and you are in a hotel together. Because everybody is nearby, it’s easier to call together and do video work. There is an extra preparation that goes on. But it’s obviously a give-and-take. The bus ride is tough, not sleeping in your bed is tough, not getting your regular routines or your food that you normally have is tough. But there is positives with it as well,” wika ni Cone.
Inaasahan naman ni Meralco coach Norman Black na mahihirapan ang Bolts sa Game 2 lalo pa’t nakikita niyang maraming mga manonood sa Lucena ang susuporta sa Barangay Ginebra.
“That’s always an advantage for Ginebra. You go anywhere in the country, normally the fans will follow them. The advantage of being in Araneta for us is the fact that we can probably get four or five thousand fans in the gym, even though they’ll have the other 12, 13. But when we go to the province, that’s a little bit more difficult,” saad ni Black.
Umaasa naman si Black na makakabawi sina Baser Amer, Bong Quinto at Allein Maliksi na nagtala lamang ng 12 points sa Game 1. Dalawa lang ang kanilang naibuslo na tres sa nasabing laro.
Laro ngayon (Quezon Convention Center, Lucena) 7 p.m. – Barangay Ginebra vs. Meralco





Comments