Kayang-kaya raw maghanap ng ibang trabaho… Sharon, ipinagsigawang 'di kawalan sa kanya ang pagsa
- Ronalyn Seminiano
- Jan 10, 2020
- 1 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Umaaray ang napakaraming artista sa namumurong pagpapasara ng ABS-CBN, ayon na rin sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte, at isa na rito ang batikang actress-singer na si Sharon Cuneta.
Nakatakdang magtapos ang lisensiya ng prangkisa ng Dos sa March 30 at dahil kaunting panahon na lang ang nalalabi, napakaraming umaasa na mababago ang ihip ng hangin.
Kasabay ng contract renewal ni Sharon sa Kapamilya Network ay ang panawagan niya sa mahal na pangulo. Aniya, “I pray that our dear President reconsiders his decision about ABS-CBN. Not just because I just renewed, I can always find a job.”
Nabanggit ni P-Duterte kamakailan na ibenta na lang ng ABS ang kanilang network pero say ni Shawie: “And even those that might choose to stay... if indeed, you know... unfortunately goes that way, it won’t be the same.”
We all know naman na parang tatay-tatayan na ni Sharon si P-Duterte, kaya curious lang kami kung papakinggan kaya siya nito?
‘Niwey, kung anuman ang maging desisyon ni P-Duterte, ang tanging hiling namin sa pamahalaan ay huwag balewalain ang mga manggagawang higit na maaapektuhan.





Comments