Rep. Velasco, todo-sigaw na drug free ang MIMAROPA, sariling driver, huli sa shabu, wanted!
PATULOY ang LP sa pambabanat sa war on drugs ni P-Digong. Sinabihan ni VP Leni na palpak ang drug war. Pero, dinepensahan ito ni Sen. “Bato!
****
NAUNA nang tumira kontra sa Oplan Tokhang si Sen. Leila de Lima. Pero tablado ang senadora — siya ay kinasuhan at nakalaboso!
****
DINEPENSAHAN naman ni Rep. Lord Allan Velasco ang war on drugs kontra sa banat ni VP Leni.
Nilinaw ni Rep. Velasco na 79% ng mga Pinoy ay satisfied sa drug war batay sa resulta ng huling SWS survey!
****
NILINAW ng Marinduque solon na sa kanyang distrito sa MIMAROPA ay bumaba ang antas ng gumagamit ng ilegal na droga.
Batay sa datos, 64 percent ng barangay sa distrito ay idineklarang drug free!
****
GAYUNMAN, ibinunyag sa mga nakaraang ulat na ang driver ni Rep. Velasco na isang alyas Makoy ay naaresto nang mahulihan ng 18 gramo ng shabu.
Nakalista si alyas Makoy bilang no.12 sa most wanted sa PDEA list at hinahanting ng mga awtoridad!
****
IDINADAWIT naman ni Sen. De Lima si dating Supreme Court Justice Presbitero Velasco, Jr. na humapay o kumiling umano ito sa convicted druglord na si German Agojo para ma-acquit pero natalo ng mayorya ng mga Mahistrado kaya napan.
SI Agojo ang isa sa mga tumestigo laban kay Sen. De Lima at si Rep. Velasco naman ang ponente ng desisyon na kumakatig para makulong ang senadora!
****
MALAKI ang galit ni Sen. De Lima sa mag-amang Velasco. Bakit kaya?
Ginagamit ba nila ang isyu sa ilegal na droga para makaresbak?





Comments