Mga Pinoy sa Iraq, Iran at Lebanon, ilikas na — P-Digong

Nasa Alert Level 4 para sa mga Pinoy ang Iraq dahil sa matinding tensiyon matapos masawi si Iranian General Qassem Soleimani, ito ang inihayag kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa drone strike ng Amerika nitong nakaraang linggo.
Kahapon, nagpakawala ng rockets ang Iran at pinuntirya ang Al Asad airbase sa Iraq, na kinaroroon ng ilang sundalong Amerikano. Sa ngayon, naka-Alert Level 4 na ang pinakamataas na travel advisories na inilabas ng DFA.
“Inatasan na po ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas, kasama na po ang Embahada ng Pilipinas sa Iraq para ilikas ang mga Pilipino dito sa bansa,” ayon ito kay Philippine Chargè d’ Affairès Jomar Sadie na ipinost sa official Facebook account nito.
“Ang marching order sa amin ay mandatory repatriation,” dagdag pa nito. Iginiit ni Sadie sa mga Pinoy worker sa Iraq na kailangan aniyang makipag-ugnayan sa embahada para sa repatriation at iba pang kailangan ng tulong.
Sakaling hindi pumayag ang employer ng Pinoy worker na umuwi ng Pilipinas, kailangan aniya humingi agad ito ng tulong sa embahada.
Maaaring tumawag sa mga numerong ito sa Philippine Embassy at 07816066822 (Jom); 07516167838 (Jerome); 07518764665 (Jobbi); and 07508105240 (Richard).
Bukod dito, maaari ring makipag-ugnayan sa mga opisyal ng embahada sa pamamagitan ng baghdad.pe @dfa.gov.ph,embaphil-baghdad.secretary1 @gmail. com at official Facebook page.
Nanawagan din ang DFA sa mga Pinoy worker sa Saudi Arabia na maging alerto at palaging makipag-ugnayan para sa anumang kailangang tulong mula sa Philippine Envoys dahil sa matinding tensiyon sa Middle East. Maaari aniyang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga numerong ito sa landline number - 011-480-1918, hotline number - 056 989 3301.





Comments