top of page
Pokwang.jpg

Lolo, nag-suicide sa dagat

Pabs Hernandez III
Jan 9, 2020
1 min read

ILOCOS NORTE — Isang 69-anyos na lolo ang nagpakamatay sa pamamagitan ng paglunod sa sarili sa dagat na sakop ng Bgy. Calayab, Laoag City.

Nakilala ang biktima na si Santos Mariano, nakatira sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, bago nagpakamatay si Mariano ay nag-text pa ito sa kanyang mga anak na siya ay magpapakamatay sa dagat.

Kaagad nagtungo ang mga kamag-anak ni Mariano sa baybaying-dagat at dito natagpuan ang nakalutang na bangkay ng biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page